Blog About Abuso
March 4, 2009 salcantara99
Paano natin lalabanan ang pangaabuso sa mga bata? Upang malabanan natin ang pang aabuso sa mga bata o mapigilan ang pananakit sa mga ito. Una ay ang pagkontrol sa ating sarili ang unang paraan upang maiwasan ang pananakit sa mga bata. Dapat alam din natin ang magiging epekto nito sa kanila. Kapg nakaranas ang mga bata ng pambubugbog o pananakit mula sa mga magulang nila o kahit kanino man, maaaring maapektuhan ang pag-aaral at pagiisip nila. Ikalawa ay ang pagtanggap at pagmamahal sa mga bata, ibinigay sila sa inyo ng Panginoon Diyos dahil alam Niya na karapat dapat sila para sa inyo. Sila ay dapat natin mahalin, pag-ingatan, at ipagtangol sa mga taong gustong sa kanila ay umapi. Kaya kahit kailanman huwag natin silang sasaktan. Kung mayroon man tayong malaman or mabalitaan na gumagawa ng pang-aabuso sa mga bata. Ito ay ireport natin agad sa mga kinauukulan para panagutan nila ang masama nilang ginawa sa mga bata.
Entry Filed under: Uncategorized